DATU RONNIE B. MAMPEN
Chairman
Dinaig Proper Fisherfolks and Producers Cooperative
Brgy. Dinaig Proper, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao

PAGPAPATOTOO NG NAGPAPASALAMAT NA PUSO

Ako po ay si DATU RONNIE B. MAMPEN, Chairman, sampu ng aking mga 28 kasamahan sa Dinaig Proper Fisherfolks Producers Cooperative ay taos pusong nagpapaabut ng pasasalamat sa BFAR (lalung-lalo na po sa ARMM-BFAR) na nagbahagi sa amin ng wastong kaalaman sa pamamagitan ng pagsasanay sa “Fish Value Added Products”, kung saan natutunan namin kung paano ipreserba ang mga naiwan mula sa inani naming mga isda sa aming palaisdaan at maging daan eto ng dagdag pangkabuhayan ng aming mga miyembro. At higit pa po diyan ay ang pagbibigay rin po sa amin ng mga gamit pangkabuhayan tulad ng 6 units ng Fish Dryer, 2 units ng Portable Smoke House at Vacuum Sealer na talaga naman pong nakatulong ng malaki sa amin sa pagsasagawa ng aming proyekto. Ang aming mga kababaihang miyembro naman po na dati-rati ay umaasa sa kakarampot na kinikita sa pag lalala ng banig at dingding mula sa mga tanim na tumutubo sa aming paligid ay nagkaroon ng maayos na kita at maging ang mga kabataan na dati ay naglalaro lamang pagka galing sa eskwelahan ay natutoto na rin na tumulong dahil binabayaran din ang kanilang naiaambag sa pamamagitan ng pag aalis ng tinik o deboning ng bangus at danggit. Sa pamamagitan po ng kabuhayan na ito ay muli pong nabuhay ang pag-asa sa aming mga puso at ang natutulog naming komunidad ay muling sumigla dahil marami na rin po ang nae-ingganyo na gayahin ang aming ginagawa. Naimbitahan na rin po kami sa exhibit sa Davao SMEX, noong nakaraang buwan kung saan ipinakita at dala-dala namin ang aming mga produkto. Naibebenta po naming ang aming mga produkto na Marinated Boneless Bangus, Boneless Danggit, Nilamasang Bagoong, Bangus Tocino at iba pa sa Cotabato City at iba pa na kalapit lugar. Muli po, hinding-hindi namin magagawa ang lahat ng ito kung hindi po kami na bisita ng taga ARMM-BFAR, Maguindanao.

Bilang pagtatapos po, nais ko pong ibahagi sa lahat ang salita po na nagmumula sa Banal na Aklat ng Qur’an na nakasaad po ay ganito:

Allah the Most High says:

“But spend not wastefully (your wealth) in the manner of a spendthrift. Verily spendthrifts are brothers of the devils and the devil is ever ungrateful to his Lord.” (Al-Qur’an 17:26-27).